-- Advertisements --
jose maria sison
Joma Sison

Inakusahan ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na protektor ng iligal na droga.

Ito aniya ang dahilan kaya niya sinibak si Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sinabi ni Sison na mula pa sa simula ay takot ang pangulo na madiskubre ni Robredo kung gaano nito pinoprotektahan ang mga nagpapalakad ng iligal na droga.

Malinaw aniya na hindi seryoso ang pangulo sa pagtalaga niya kay Robredo sa ICAD dahil sa hindi nito pagtitiwala sa kaniya.

Nagmukha umano pa ang pangulo na may deperensiya dahil sa pagtanggal niya kay Robredo sa posisyon.

Magugunitang sinibak ni Duterte si Robredo sa ICAD dahil umano sa ginagamit sa pulitika ang nasabing isyu sa iligal na droga.