-- Advertisements --
May mga kondisyon si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison sa plano ng gobyerno na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.
Ayon kay Sison na maaring gawin ito ang nasabing negosasyon sa ibang bansa.
Dahil kung sa Pilipinas gagawin ito ay hindi matatanggap ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ilalagay lamang ang NDFP at ang buong peace negotations sa alanganin sa rehimen ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Muling iginiit pa rin ni Sison na mismong ang Duterte Administration ang pumatay sa GRP-NDFP negotations mula pa noong 2017.
Nauna ng nagpahayag ng suporta ang Armed Force of the Philippines (AFP) sa pagpapatuloy ng peace negotation.