-- Advertisements --
Ibinunyag ng showbiz couple na sina Abby Viduya at Paranaque 1st District Councilor Jomari Yllana ang kanilang nalalapit na pagpapakasal.
Ayon sa actress na sa buwan ng Hunyo sa Las Vegas, Nevada ang plano nilang pagpapakasal.
Wala na rin aniya itong naging problema dahil inayos na nila ang lahat ng mga kakailanganin.
Habang sa darating na 2024 naman ang pagpapakasal nila sa simbahan na gaganapin sa Pilipinas.
Nais niyang maging simple lamang ang kasal nilang dalawa.
Bago nito ay personal na hiningi ng actor ang kamay nito sa inang si Isabelita Razon Viduya ng umuwi sila mula sa Vancouver, Canada.
Noong Pebrero 24 aniya ng namanhikan ang actor sa pamilya ng ina sa Paranaque.