Wala na umanong balak si Anjo Yllana na mag-reach out sa kapatid na kapwa artistang si Jomari matapos pabulaanan nito ang isyung pagnanakaw diumano sa kanyang campaign funds.
Nabatid na si Anjo ay umatras na sa kanyang congressional bid sa 4th district ng Camarines Sur, habang ang nakababata nitong kapatid na si Jomari ay tumatakbo muli bilang konsehal sa first district ng Parañaque City.
Kamakailan lang nang magpasaring si Anjo na mismong ang “katiwala” niya ang nagbulsa umano sa pondo na gagamitin dapat niya sa kandidatura kaya umatras na lamang.
“Unfortunately, ‘yun nga… medyo sabihin na natin para madali, ninakaw ‘yung pera. Monthly kasi, ‘yung sponsor ko, may ibinibigay na budget… hindi ko alam kung magkano eksakto yun. Basta ako, kung ano ang kailangan ko, hinihingi ko. So, six months nangyari yun. Nung ika-sixth month na, parang hirap na ako. Kasi pag bumababa ako, siguro minimum of six barangays ang binibisita ko. Doon sa pondo na nakukuha, parang nauubusan ako,” saad nito sa dating panayam ng DZRH.
At pagsapit ng unang araw ng January 2022, direkta nang binanggit ng nakakatandang Yllana sa kanyang Facebook post na si Jomari at kasintahang si Abby Viduya ang nagnakaw daw sa perang bigay ng kanyang “sponsor.”
Narito ang bahagi ng post ni Anjo bagama’t burado na:
“I decided to talk to a lawyer and to file a case against Jose Maria Yllana and Abby Viduya who misled me and stole my campaign funds.
Ayoko na sana but the way he treats his children bothers me, the way the girl left her husband. I am sure cases from both the mother of their kids and the husband will also be filed.”
Para sa sana’y aspiring politician, siya ay mapagpatawad na tao pero mismong anak daw niya ay suportado ang kanyang pagdemanda.
Gayunman, hindi na raw niya hahabulin ang ipinangkong “filing bonus” ng sponsor dahil umatras na nga siya.