Opisyal na binakante ni Jon Jones ang kanilang UFC light heavyweight world title para paghandaan ang pag-akyat nito sa heavyweight division.
Noon pang nakaraang mga buwan ay nagbanta na ang 33-anyos na si Jones na bakantehin ang titulo dahil sa hindi pagkakaunawaan sa UFC.
Nagkaroon kasi ng alitan si Jones at ang UFC ng hindi sila nakasundo sa premyo na mapapanalunan sa nakanselang laban nito kay Francis Ngannou.
Sa kaniyang Twitter, sinabi nito na bakante na ang kaniyang titulo kaya dapat pag-agawan na ito.
Pinasalamatan nito ang lahat ng kaniyang nakalaban ganun din ang kaniyang fans.
Wala na umanong gana ito sa kaniyang weight division kaya minabuti na niyang umakyat ng timbang.
Ilan sa mga target nitong makalaban ay sina Stipe Miocic at Daniel Cormier.