Nakatakdang lumipad patungong US si Filipino boxer Jonas Sultan para pagharap niya kapwa Pinoy boxer na si IBF world super flyweight champion Jerwin Ancajas.
Unang nagharap ang dalawa noong 2018 sa Fresno California kung saan natalo si Jonas a pamamagitan ng unanimous decision.
Ayon sa ZC Kings International Boxing Promotion spokesperson Rocky Chan nais nilang mag-focus si Sultan ng kaniyang training sa US at itinuturing nilang isang malaking oportunidad na makaharap si Ancajas.
Posibleng sa Disyembre o sa Enero gawin ang laban na maaaring isagawa ito sa Mexico o sa USA.
Mayroong record si Jonas na 16 panalo at limang talo na mayroong 10 knockouts.
Nagwagi ito laban kay WBO world bantamweight champion Johnriel Casimero at dating WBC world flyweight world champion Sonny Boy Jaro.