Dinagit ng TNT ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals matapos ang kanilang 115-97 paggiba sa Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.
Tumipon ng impresibong 36 points, 16 rebounds, at 14 assists si import Terrence Jones, na kanyang ikatlong triple-double sa conference.
Nag-init din ang KaTropa mula sa downtown makaraang magpasabog ng 19 na tree-pointers upang mapalawig ang kanilang dikit na panalo sa pito at manatiling nakakapit sa tuktok ng team standings sa 9-1 win-loss record.
Kinuha ng TNT ang 57-34 abante matapos ang 23-5 harurot na sinimulan ni Jones sa pagbitaw ng tres.
Tinapos ni Jones ang quarter nang pumukol ito ng isa pang three-pointer para sa 60-43 bentahe ng KaTropa.
Umasiste sa TNT sina Troy Rosario na humataw ng 14 points, maging si Jayson Castro na kumubra ng 13 markers at 10 assists.
Ang Blackwater, na laglag sa 6-4, ay sumandal kay Ray Parks na kumamada ng 21 points at 10 rebounds.
Narito ang mga iskor:
TNT 115 – Jones 36, Rosario 14, Castro 13, Heruela 12, Pogoy 12, Trollano 11, A. Semerad 8, Magat 4, Casino 3, Taha 2, Golla 0, Reyes 0, D. Semerad 0.
Blackwater 97 – Parks 21, DiGregorio 19, Maliksi 16, Blair 16, Belo 10, Sumang 4, Alolino 3, Banal 2, Dario 2, Sena 2, Desiderio 0, Al-Hussaini 0, Tratter 0, Jose 0.
Quarters: 25-23; 60-43; 91-66; 115-97.