-- Advertisements --

Umabot na sa limang mga players ng Chicago Bulls ang isinailalim sa quarantine ng NBA matapos na ilagay din ang forward na si Derrick Jones Jr. sa health and safety protocols.

derrick jones jr bulls
Bulls Derrick Jones Jr.

Nauna nang pumasok sa isolation policy ng liga ang leading scorer nila na si DeMar DeRozan, gayundin sina Matt Thomas, Coby White at Javonte Green na magkakasunod sa nakalipas lamang na siyam na araw.

Gayunman ang kinumpirma lamang ng Chicago na positibo sa virus ay ang mga players na sina White at Green.

Batay sa patakaran kailangan manatili ang mga players sa isolation sa loob ng 10 araw hanggang sa pagbabalik nila sa laro at kailangan magpresenta ng dalawang negative PCR tests sa loob ng 24-hour period.

Samantala nagpadagdag naman sa kamalasan ng Bulls bunsod ng COVID outbreak ay ang hindi rin nakakapaglaro na forward na si Patrick Williams (wrist) at ang guard na si Alex Caruso (hamstring).

Dahil dito pumirma na ang team ng pansamantalang ika-16 na player upang mapunan ang koponan sa ilalim ng “hardship exception ng NBA.