-- Advertisements --

Napanatili ni Jon Jones ang kaniyang UFC heavyweight belt.

Ito ay matapos na talunin niya si Stipe Miocic sa UFC 309 event sa New York.

Mula sa simula ng laban ay kontrolado na ng 37-anyos na American fighter ang laban.

Naiwasan niya na ipagana ng kaniyang kalaban ang galing nito sa boxing.

Napagbagsak lamangni Jones si Miocic sa brutal heel na tumama sa katawan.

Sa ikatlong round ay sumabay pa ang Croatian-American fighter subalit mabilis na nakabawi Jones.

Matapos ang pagkatalo ay inanunsiyo ng 42-anyos na si Miocic ang kaniyang tuluyang pagreretiro.