-- Advertisements --

Tutok lamang sa kampanya ng TNT sa PBA Commissioner’s Cup finals si Terrence Jones kahit na sinasabing muling sasapi ang KaTropa import sa Houston Rockets sa NBA.

Batay kasi sa ulat na lumabas sa The Athletic, inilarawan si Jones bilang isang “soon to be” player para sa Rockets.

Ibig sabihin, babalik si Jones sa koponang kumuha sa kanya noong 2012 NBA draft bilang 18th overall.

Pero ayon kay Jones, determinado raw itong bitbitin ang TNT patungo sa kamopenato matapos nilang magapi ang Barangay Ginebra, 103-92, sa Game Four ng Commissioner’s Cup semifinals.

“You know, I’m not really focused on that,” wika ni Jones. “As a player playing in the championship, I can only focus on the task at hand and that’s winning the championship here.”

Nagpakawala si Jones ng 24 points, 13 rebounds at 10 assists para sa TNT, na kanyang ikalimang triple-double ngayong conference.