-- Advertisements --
Binuksan na ng Jordan ang kanilang kauna-unahang underwater military museum.
Matatagpuan ito sa karagatan ng Aqaba kung saan makikita ang iba’t-ibang sasakyang pang-gyera gaya ng tanke, troops carrier at helicopters.
Ayon sa mga opisyal ng bansa na ang nasabing museum ay magdadagdag ng bilang ng mga turista na bibista sa kanilang bansa.
Plano rin ng Aqaba Special Economic Zone Authority (ASEZA) na dagdagan ang museum ng mga iba’t-ibang uri ng sports sa bansa.
Magiging patok aniya ang nasabing museum sa mga mahilig pag snorkle at matutunghayan ng mga turista ang museum sakay ng transparent na bangka.