-- Advertisements --

Muli na namang bumida ang Filipino American star na si Jordan Clarkson nang umiskor ng 23 points para sa Utah Jazz at masilat ang Los Angeles Clippers sa iskor na 110-102.

Tumulong din naman si Collin Sexton na nagpakita ng 22 points para mahabol ang kalamangan ng Clippers sa third quarter.

Ito na ang ikawalong panalo ng Jazz, habang ipinatikim sa Clippers ang ikalimang talo.

Pinabilib din ni Clarkson na dating Gilas Pilipinas player, ang mga fans nang magbuslo siya ng anim na three points at limang assists.

Sa panig ng Clippers nasayang ang ginawa ng veteran na si Paul George na kumamada ng 34 points, kung saan natigil tuloy ang kanilang tatlong sunod-sunod na panalo.