-- Advertisements --

Handa raw kahit anong mangyari para kay Filipino-American basketball player na si Jordan Clarkson kung malipat man siya sa ibang team sa darating na bagong season ng NBA.

Ayon sa kanya, kahit ano pa raw ang pinaplano ng team management ay payag at ready daw siya.

Kung maalala maraming ginulat ang Utah makaraang pakawalan ang mga star players na sina Donovan Mitchell at Rudy Gobert.

Kung sakali man daw na miyembro pa siya ng Utah Jazz ngayong taon ay nais niyang masungkit na magkampeon na ang koponan.

Kaugnay niyan sinabi pa ng dating Gilas Pilipinas player, kahit saang team daw maglalaro siya ay talaga namang ibubuhos niya ang kanyang galing para magwagi.

Sa ngayon si Clarkson, na dating napili ng NBA bilang “Sixth Man of the Year layer” ay puspusang naghahanda para sa pagsisimula ng liga sa susunod na buwan. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)