Ipinaliwanag ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang hindi na pagsama ni NBA star Jordan Clarkson sa gaganapinng pocket tournamnet nila sa China.
Sinabi nito na didiretso na lamang sa Pilipinas si Clarkson sa susunod na linggo.
Una rito ay hindi na makakasama ng Gilas sina Kai Sotto at Scottie Thompson dahil sa mayroong silang iniindang injuries ganun din sina Justin Brownlee at Ange Kouame.
Ilan lamang sa mga manlalaro ng Gilas na maglalaro sa China ay binubuo nina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, CJ Perez, Jamie Malonzo, Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Rhenz Abando, AJ Edu, Bobby Ray Parks Jr., Poy Erram, Calvin Oftana, Kiefer Ravena, Roger Pogoy, at Chris Newsome.
Unang makakaharap ng Gilas ang Iran sa Agosto 3 na susundan ng Senegal sa Agosto 4.
Habang sa Agosto 6 ay makakaharap nila ang Senegal at ang Iran muli sa Agosto 7.