-- Advertisements --

Kinumpirma na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na makakasama ng Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa bansa si Jordan Clarkson.

Sinabi ni SBP president Al Panlilio, na makakasama ng Gilas si ang Filipino-American NBA player sa Agosto 6 sa China.

Magsasagawa kasi ang Gilas ng pocket tournament sa China bilang bahagi ng paghahanda nila sa nasabing torneo.

Sa nasabing pocket tournament sa China ay makakaharap nila ang Lebanon, Iran at Senegal.

Magugunitang ka-grupo ng Gilas ang bansang Angola, Dominican Republic at Italy.

Una rito na nais niya talagang irepresenta ang Pilipinas sa World Cup.