-- Advertisements --

Nakapagtala ng bagong record si Jordan Clarkson matapos makamit ang pinakaunang triple-double performance nito laban sa Dallas Mavericks.

Tinalo ng Jazz ang Dallas sa kabila ng pagbabalik ng star player nito na si Kyrie Irving.

Kumamada si Jordan Clarkson ng 20 points 11 assists at 10 rebounds habang 24 points, 6 rebounds si Simone Fontecchio para tambakan ng 37 puntos ang Mavericks, 127-90.

Para sa Dallas, 19 points at 14 assists 6 rebounds ang nabuhos ni Doncic habang 14 points 9 rebounds ang nagbabalik na si Irving para sa panig ng Mavericks.

Si Clarkson ang pinakaunang player ng Jazz na may record na season triple double mula noong 2008 ni Carlos Boozer.