-- Advertisements --

Nanguna ang Filipino American player na si Jordan Clarkson sa ika-siyam na panalo ng Utah Jazz laban sa Denver Nuggets, 109-105.

Nagtala si Clarkson ng 23 points, three rebounds at apat na three pointers.

Exciting ang harapan ng dalawang magkaribal na team lalo na at nagbanggaan ang mga ito sa first-round series ng NBA bubble noong nakalipas na taon kung saan sa huli namayani ang Denver.

Fil Am Jordan Clarkson Jazz
Fil Am Jordan Clarkson

Kung maalala makapigil hininga noong panahong ‘yon ang showdown nina Donovan Mitchell at Jamal Murray dahil sa umaatikabong palitan ng puntos.

Ngunit sa laro kanina medyo inalat ng bahagya si Mitchell pero buti na lamang dinala ni Clarkson ang opensa ng Utah (9-4).

Nagtapos si Mitchell ng 18 points habang si Murray ay kumamada ng 30 points.

Hindi pa rin naman nawala ang intensity ng laro ng Nuggets (6-7) big man na si Nikola Jokic na nasayang ang 35 big points.