-- Advertisements --

Plano pa rin ni Filipino-American player Jordan Clarkson na maglaro sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 2023 FIBA Basketball World Cup ganon din sa Olympic qualifying tournaments.

Gilas Pilipinas 1
Jordan Clarkson / Gilas Pilipinas Image

Dagdag pa ng Utah Jazz star, inaayos na niya ang lahat para tuluyan na itong makapaglaro sa Pilipinas.

Iginiit pa nito na bagamat nakapaglaro na ito sa 2018 Asian Games ay kakaiba pa rin ang mairepresenta mo ang bansa sa FIBA tournament.

Magugunitang isa si Clarkson, na ang ina ay isang Pinay, ay target na kunin ng Gilas para sa FIBA Asia qualifiers.

Sa ngayon tinaguriang siyang Sixth Man ng top team sa NBA na Jazz.