-- Advertisements --

Kinuha ng Converge FiberXers si Jordan Heading matapos ang matagumpay nitong pag-representa ng bansa sa Jones Cup.

Sa Game 1 kasi ng finals ng PBA Governors Cup sa pagitan ng Ginebra at TNT na ginanap sa Antipolo ay namataan itong nanood.

Kaya mula noon ay marami na ang nanghinala na tuluyan na itong maglalaro sa PBA.

Una kasing na-draft siya ng Terrafirma subalit naaprubahan ng Commissioners office ng PBA na kukunin ito ng Converge kapalit sina Aljun Melecio, Keith Zaldivar at ang future first round pick.

Sa social media account ng Converge ay ibinahagi nila ang larawan ni Heading at sinabing naselyuhan na ang kasunduan.