-- Advertisements --

Nagbabala ngayon ang bansang Jordan na pababalikin nila sa pinanggalingang bansa ang mga foreign workers na hindi na nakakatanggap ng dalawang dose ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Target itong ipatupad ng naturang bansa sa kalagitnaan ng buwan ng Disyembre.

Sa kanilang statement, pinaalalahanan ng ministry ang nga foreign workers na dapat na silang magpabakuna at ito ay libre naman.

Hindi na rin daw kailangang magprisinta pa ng residence o work permit.

“Strict measures will be taken against expatriate workers who have not received two doses of Covid vaccine, starting from December 15,” base sa interior ministry statement.

Kung maalala libo-libong mga Pinoy ang nagtatrabaho rin sa naturang bansa.

Nagbukas noon ang Jordan ng mga centers para sa libreng pagbabakuna ng mga Jordanians at foreigners.

Sa ngayon, aabot na raw sa 3.5 million ang nabakunahan mula sa kanilang 10 million na populasyon. (AFP)