-- Advertisements --

Isinara na ng bansang Jordan ang kanilang border sa Syria.

Sinabi ni Interior minister Mazen al-Faraya na ang hakbang na ito ay para na rin sa kanilang kaligtasan.

Ang Nassib crossing kasi ay pangunahing passenger at commercial border crossing sa pagitan ng dalawang bansa.

Hawak kasi ngayon ng Hayat Tahrir al-Sham (HTS), isang Islamist militant group sa Syria ang pangalawang pinakamalaking lungsod na Aleppo.

Nagbabanta ang nasabing grupo na kanilang lulusubin ang ibang bahagi ng Syria gaya sa Damascus.

Magugunitang noong Nobyembre 27 ng sinimulan ng nasabing rebeldeng grupo ang kanilang pag-atake.

Sinabi ng lider ng grupo na si Abu Mohammed al-Jolani na ang layon ng kanilang pag-atake ay para tuluyang mapatalsik si Syrian President Bashar al-Assad.

Mula pa noong 2011 ng magsimula ang civil war sa Syria matapos ang madugong pag-aresto ni Assad sa mga nagsagawa ng protesta.