-- Advertisements --

Nagsagawa ang Jordanian Armed Forces ng 10 airdrops ng mga humanitarian relief sa northern Gaza.

Ang nasabing airdrops ay isinagawa sa koordinasyon ng US, United Kingdom, Germany, Egypt at United Arab Emirates.

Mula aniya noong Nobyembre ay mayroon ng 65 airdrops ang kanilang isinagawa at 119 airdrops sa kooperasyon sa ibang bansa.

Isinagawa ang airdrops dahil sa isinara ng mga Israel forces ang mga borders na daanan sana ng mga truck na may dalang relief.