-- Advertisements --

Nangako si Anthony Joshua na babawi ito matapos ang masaklap nitong sinapit sa kanyang debut bout sa Estados Unidos.

Nitong araw ng Linggo (Manila time) nang apat na beses itong padapain ito ng underdog na si Andy Ruiz sa kanilang bakbakan sa Madison Square Garden Sa New York City.

Dahil dito, nakuha ni Ruiz ang unified WBA (Super), WBO, IBO, at IBF heavyweight titles mula kay Joshua nang magwagi ito sa pamamagitan ng 7th round technical knockout.

Ayon kay Joshua, ihihirit daw nito ang isang rematch kay Ruiz, na posibleng mangyari sa United Kingdom.

“Listen it’s a loss, the rematch wherever it takes place it’s in a boxing ring. I want to get my revenge. I’d like to get a win, get those titles back. I still have my vision and my direction in the sport, that don’t change. On to the next and we’ll see if that’s Ruiz,” wika ni Ruiz.

Wala namang sinisisi si Joshua sa pagkabigo nitong madepensahan ang kanyang korona.

“I’ve always said that I never try to blame refs, judges, like the team. You know like people leave the trainers [when they lose]. I’m not like that, I’m different. The referee done his job. As I’ve said, if I wanted to carry on I should have never touched the canvass. I’ll bounce back,” ani Joshua.