-- Advertisements --

Napanatili ni World heavyweight boxing champion Anthony Joshua ang kaniyang titulo matapos mapatumba si Kubrat Pulev ng Bulgaria.

Sa ikatlong round pa lamang ay napatumba na ni 31-anyos na British boxer si Pulev sa laban na ginanap sa Wembley Arena ata napanatili ang WBO, WBA at IBF belt.

Nilimitahan lamang sa 1,000 fans ang nasabing laban ng dalawa.

Mayroon ng 24 na panalo, isang talo at 22 knockouts ngayon si Joshua habang si Pulev ay mayroong 28 panalo, dalawang talo at 14 na knockouts.