-- Advertisements --

Nagwagi si Pinoy mixed martial arts fighter Joshua “The Passion” Pacio sa ONE 171 laban kay Jarred “The Monkey God” Brooks ng US.

Nakuha ng pambato ng Pilipinas ang technical knockout sa loob ng ikalawang round.

Dahil ito ay naibulsa niya ang Strawweight MMA World Championship belt sa laban ng dalawa na ginanap sa Doha, Qatar.

Sa unang round ay dominado ng American fighter ang laban hanggagn nakipagsabayan si Pacio pagpasok ng ikalawang round kung saan umulan ng suntok kaya pinahinto ng referee ang laban sa loob ng apat na minuto at 32 segundo.

Labis ang pasasalamat ni Pacio sa mga sumuporta sa kaniya kung saan naging sulit ang ginawa niyang paghahanda para sa laban.