-- Advertisements --

Pinatumba ni British boxer Anthony Joshua sa loob ng ikalawang round si Francis Ngannou sa kanilang laban sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa simula ay pinatunayan ni Joshua ang kaniyang lakas at bilis sa boxing.

Ito ang pangalawang laban ng French-Cameroonian na si Ngannou matapos ang pagiging matagumpay sa UFC.

Noong unang laban niya kay Tyson Fury pinahanga niya ang mga boxing fans.

Inamin ng 37-anyos na si Ngannou na malaking kaibahan ang galing nina Fury at Joshua dahil sa mabilis siyang napatumba.