-- Advertisements --

Tiwala ang kampo ng boksingerong si Anthony Joshua na mabilis na magagawan ng kontrata ang inaabangang laban niya kay Tyson Fury.

Sinabi ni Eddie Hearn ang promoter ni Joshua na hindi tatagal ng dalawang araw ay magagawan agad ang nasabing kontrata.

Fury vs Joshua
Fury (L), Joshua (R)/ IG image

Maraming mga boxing fans kasi ang umaasang matuloy ang all-British world heavyweight unification bout ng dalawa sa 2021.

Lumakas ang nasabing usapin ng paghaharap ng dalawa ng talunin ni 31-anyos na si Joshua ang beteranong Bulgarian boxer na si Kubrat Pulev sa ika-siyam na round ng magharap sila sa Wembley Arena nitong Linggo.

Matapos kasi ang laban ng dalawa ay nagpost sa social media si Fury at sinabing kaya niyang patumbahin si Joshua sa loob lamang ng tatlong round.