-- Advertisements --
Itinuturing na ang labanan sa Gaza sa pagitan ng Israel at Hamas ay siyang pinakamadugo para sa mga mamamahayag.
Ayon sa grupong Committee to Protect Journalism at Reporters Without Borders, nasa 128 na mga journalists ang nasawi mula ng magsimula ang labanan.
Karamihan sa mga nasawi ay mga mamamahayag mula sa Palestine na tinamaan dahil sa airstrikes ng Israel.
Inakusahan ng ilang news organizationa na hindi pinipili ng mga Israel military ang kanilang target na mariing itinanggi naman ng mga ito.
Bukod sa nasawi ay tumaas din ang bilang ng mga pananakit sa mga mamamahayag.
Naitala ng mga mamamahayag sa Israel ang 40 kaso ng physical attacks ng mga sundalo ng Israel mula noong October 7 na pag-atake ng Hamas.