-- Advertisements --

Patay matapos mabaril ang Palestinian-American Al Jazeera journalist na si Shireen Abu Akleh habang ito ay nagko-cover ng military operation sa West Bank.

Ayon sa health ministry ng Palestine na tinamaan siya sa ulo na sanhi ng agarang kamatayan nito.

Maging ang producer nsi Akleh na si Ali Al-Samudi ay nabaril din pero dinala na ito sa pagamutan.

Wala pang malinaw na inilabas na detalye ang Palestine sa tunay na nangyari sa kay Akleh.

Inakusahan naman ng Al Jazeera ang Israeli security foces na siyang nasa likod pagpatay kay Abu Akleh at nanawagan ang mga ito sa international community para kondinahin ang pangyayari at panagutin ang mga ito.