Nanawagan si Pope Francis sa buong mundo na isama rin sa kanilang dasal ang mga mamamahayag na isinusugal din ang buhay sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang mensahe na idinaan sa twitter, sinabi ng Santo Papa na walang kapaguran din ang ginagawa ng media workers upang maghanap ng impormasyon at ibigay ito sa publiko nang tama.
“Let us #PrayTogether for men and women who work in the media. They have risked much and worked tirelessly during this pandemic. May the Lord help them always in their task to transmit the truth,” ani Pope Francis.
Kasama rin sa tweet ni Pope ang YouTube link kaugnay sa isinagawa niyang online Holy Mass sa Casa Santa Marta sa Vatican kung saan kabilang sa tinalakay niya sa homily ay ang pagiging ilaw ni Hesukristo sa panahon ng kadiliman.