BAGUIO CITY – Hindi naging madali ang journey ni newly-crowned Miss Globe 2021 Maureen Montagne sa pagkamit ng kaniyang first international crown.
Bago ang Miss Globe ay sumabak ang Filipino-American beauty queen sa mga pageants tulad ng Mutya ng Pilipinas 2013, na nasundan naman ng Miss Arizona USA 2015, Miss USA 2015, Miss World America 2017, at sa Miss World Philippines 2018 kung saan tinanghal ito bilang Miss Eco Philippines 2018.
Sa Miss Eco International 2019 pageant na naganap sa Egypt ay nagtapos ang Batangas beauty bilang first runner-up, pero dahil sa pregnancy ng winner na si Miss Peru Suheyn Cipriani ay na-dethrone ito, dahilan upang maluklok kay Maureen ang Miss Eco International crown.
Ngunit tinanggihan naman ni Montagne ang korona dahil na rin sa paglahok nito sa Binibining Pilipinas.
Noong July 11, 2021 ay kinorohanan si Montagne bilang Binibining Pilipinas Globe 2021, at nitong Sabado ng November 6, ay kinoronahan ang dalaga bilang Miss Globe 2021 sa Albania.
Si Montagne ang pangalawang Pinay na nakatanggap ng Miss Globe crown matapos itong masungkit ni Ann Colis noong 2015.
Sa una nang naging exclusive interview ng Star FM Baguio kay Maureen, ibinahagi nito ang kanyang mga natutunan sa mga nalahukang pageants mula noon hanggang ngayon.
“The beauty standard is always changing. At the end of the day, beauty can be bought. What makes you different, it’s your personality, it’s your drive, it’s your passion, it’s your purpose. Don’t mind if you’re not the most beautiful on stage. You’ll never be the tallest, you’ll never be the skinniest, you’ll never be the youngest. There’s always someone else, so really just focus on your strengths. Just be yourself unapologetically. I think the girls who know themselves the best really shine the brightest,” saad pa ni Maureen.
Si Montagne ang pangalawang Binibini queen ngayong taon na nagwagi sa kanyang international pageant, isang linggo matapos maiuwi ng Cagayan De Oro beauty na si Cinderella Obeñita ang Miss Intercontinental 2021 crown na ginanap sa bansang Egypt.