-- Advertisements --

Inanunsyo ng mga opisyal ng Radio Television Malacañang (RTVM) na si Joyce Bernal ang napili uli bilang direktor sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.

Ito’y sa isinagawang briefing sa House media bago ang pang-apat na SONA sa darating na July 22.

“Binibining Joyce Bernal would be directing this year’s SONA… on July 13 magkakaroon ng mga rehearsals with Joyce Bernal,” ani Jun Lubid na siyang team leader ng RTVM para sa SONA.

Kung maaalala, ang nasabing award-winning romantic comedy director din ang nanguna sa mga angle shots sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon.

Bago si Bernal, ang batikan din an si Brillante Mendoza ang naging direktor sa unang dalawang SONA ni Pangulong Duterte. (photo from pep)