-- Advertisements --
Kuminang nang husto ang bagong saltang si JR Smith matapos na pangunahan nito ang Los Angeles Lakers tungo sa panalo kontra sa Washington Wizards sa kanilang exhibition game, 123-116.
Ito’y kahit wala ang mga star players ng Lakers na sina leBron James, Anthony Davis, Kyle Kuzma at Dwight Howard.
Umiskor ng 20 points si Smith, kabilang na ang pinakawalan nitong tatlong 3-pointers.
Maliban kay Smith, nagpasiklab din si Dion Walters na may 18 points at anim na assists.
Ito na ang ikalawang panalo ng Lakers sa tatlong exhibition games bago ang muling pagpapatuloy ng NBA season.
Nanguna naman sa panig ng Wizards si Rui Hachimura na umiskor ng 19 points.
Mayroon ding 18 markers si Jerome Robinson, at 16 mula kay Shabazz Napier.