Pinaalalahan ng Joint Task Force Covid Shield ang mga police commanders na mahigpit na ipatupad ang smoking ban sa mga terminal ng pampublikong sasakyan.
Ito’y kasunod ng pagpapasara ng mga smoking areas sa NAIA bilang pag-iingat laban sa Covid-19.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at JTF Covid Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, may mga reklamo silang natatanggap na may mga naninigarilyo sa mga terminal ng bus, Jeepney at tricycle partikular sa mga lalawigan.
Ito’y sa kabila ng umiiral na smoking ban sa mga pampublikong lugar na itinatakda ng Presidential Decree 26 na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Bukod dito, sinabi ni Eleazar na may panganib na makahawa ng corona virus ang second hand smoke ng mga naninigarlyo, at mga itinatapon nilang upos ng sigarilyo.
Nakasama din aniya sa kalusugan ang paninigarilyo dahil humihina ang respiratory system na siyang apektado ng Corona virus.
Inatasan ni Eleazar ang mga local commanders na makipagugnayan sa mga LGU partikular ang mga barangay para makatulong ang mga ito sa pagpapatupad ng smoking ban.