-- Advertisements --

Binalaan ng Joint Task Force COVID Shield ang mga pulis na magiging abusado sa paggamit ng yantok.


Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lt.Gen. Cesar Hawthorne Binag, may kalalagyan ang mga pulis na hindi tama magpatupad ng quarantine protocol.

Paliwanag ni Binag, iimbestigahan ang mga pulis bilang bahagi ng kanilang police operational procedure at papatawan ng kaukulang parusa.

Sinabi ni Binag, sakaling pumalag o manlaban ang mga sinisita, ang turo sa kanila ay gamitin lang ang yantok sa pagpalo sa kamay.

Base sa datos halos 600,000 na ang mga quarantine violators na nasita, napagmulta at naaresto ng mga pulis.

Mahigit 2,000 umano sa mga ito ay nasampahan ng “direct assault” dahil sa paglaban sa mga pulis.

Matatandaan na una nang sinabi ni PNP Chief Police General Debold Sinas, na gagamitin lang ang yantok para sa social distancing bilang pag iingat na rin sa COVID 19.