Nagdeploy ang Joint Task Force – NCR ng limang trak para sa “libreng sakay” operation sa mga pangunahing rota sa Metro Manila ngayong umiiral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ang mga trak ay pandagdag sa apat na bus ng RRCG Bus na nakapaghatid na ng 900 na Authorized Persons Outside of Residence (APOR) mula nang simulan ang operasyon.
Dahil sa mga karagdagang trak, may “libreng sakay” na sa 14 na kilometrong rotang SM Taytay hanggang Ortigas Center route (vice versa).
Ang iba pang mga rotang pinagsisilbihan ng “libreng sakay” ay: SM Fairview hanggang Quezon Ave via Commonwealth (vice versa); Gil Puyat LRT1 hanggang Quezon Ave via Taft Ave at España (vice versa); at SM Masinag hanggang Cubao MRT via Marcos Highway (vice versa).
Bukod sa pagtulong sa “libreng sakay”operations, ang JTF NCR ay sumusuporta sa NCRPO sa pagmamando sa iba’t ibang quarantine Control Points at quarantine facilities sa Metro Manila.
Aktibo ring nagsasagawa ng loudspeaker Operations ang mga sundalo sa iba’t ibang komunidad sa Metro Manila para paalalahanan ang mga mamayan sa mga umiiral na alituntunin sa panahon ng ECQ.