-- Advertisements --

Inanunsiyio ng singer na si Juan Karlos at nobyang beauty queen Maureen Wroblewitz na sila ay hiwalay na.

Sa Instagram ng singer ay isinagawa ang anunsiyo kasama ang larawan nilang dalawa.

Nagpost din si Maureen sa kaniyang IG na pagkukumpirma ng paghihiwalay nila ng singer.

Parehas naman na tiniyak ng dalawa na mananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan kahit na sila ay hiwalay na.

Noong 2019 ng isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon subalit may usapin na noon pang 2017 ay nagkakamabutihan na ang dalawa.