-- Advertisements --

Pansamantalang itinigil ng OPM singer ang kaniyang performance sa isang music show matapos nitong mapansin ang isang audience na may karga-kargang sanggol. 

Ayon sa magulang ay pampatulog daw nito si JK, ngunit tila hindi nakuntento ang singer dahil nakita nitong umiiyak ang sanggol na dalawang buwan na gulang pa lamang.

Tinanong din ni Juan Karlos kung may earmuffs o headphones ito na maaaring suotin dahil sensitive pa raw ang tenga ng mga sanggol na isang taon pababa. 

Mismong si JK na rin ang humingi ng tulong sa staff para magkaroon ng headphones ang baby na pwede nitong suotin. 

Sa huli ay nagpasalamat pa rin si JK sa suporta sa kanya pero sana raw ay alagaan nito ang sanggol. 

Inulan naman ng papuri mula sa netizens ang ginawang pagmamalasakit ng singer sa sanggol.