-- Advertisements --

Ipinagdiwang sa pangunguna ng Santo Papa na si Pope Francis at ng Vatican City ang naging pagdiriwang ng Jubilee for World Communication kung saan nagiwan ito ng mensahe para sa mga mamamahayag.

Sa kaniyang pahayag, binigyang diin niya ang mga mamamahayag na nananatiling bihag dahil sa hindi makataong pagkakakulong ng mga ito.

Ayon kay Pope Francis, ang pagpapalaya sa mga mamamahayag na ito ay nangangahulugan din ng kalayaan para sa ating lahat at pagpapalakas nito.

Aniya, nawa’y gawin din itong daan ng mga mamamahayag upang makapaghatid ng mga istoryang nagbibigay ng pag-asa sa mga taong nawawalan ng liwanag sa kanilang mga araw-araw na buhay.

Samantala, dito naman sa ating bansa, nagdaos ng Thanksgiving ang The Roman Catholic Archbishop of Manila para sa mga mamamahayag sa industriya.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng The Jubilee of World Communication.