-- Advertisements --

Tinawag na isang malaking kalokohan at pambabastos sa hustisya kapag natuloy ang pagpapalaya sa convicted rapist at killer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Sinabi ni retired Judge Harriet Demetriou, ang may nagpataw ng pitong life sentence kay Sanchez, na hindi nararapat na mabigyan siya ng kakaibang pagtrato.

Isa aniyang insulto sa mga Filipino kapag napalaya ang dating alkalde.

Nagpahayag ng suporta ang dating huwes sa mga kabataan na komokontra sa paglaya ni Sanchez.