-- Advertisements --
Judge na pinatay sa La Union
crime scene sa judge na pinatay sa La Union

LA UNION – Dead on arrival sa ospital ang isang huwes matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Barangay Mameltac sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Nakilala ng 53-anyos na biktima na si Judge Mario Banez ng Regional Trial Court Branch 25 na nakabase sa bayan ng Tagudin, Ilocos Sur.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa San Fernando City Police, pauwi na sana umano ang biktima sa kanilang tahanan sa naturang barangay na nagmamaneho ng kotse nang ito ay tambangan ng hindi pa kilalang salarin dakong alas-5:40 nitong hapon ng Martes.

Isinugod sa Betany Hospital sa nabanggit na lungsod si Banez ngunit hindi na nailigtas ang kanyang buhay dahil sa malubhang sugat na natamo nito sa katawan.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya at manhunt operation sa salarin.