-- Advertisements --
Inatasan ng federal judge sa Brazil si President Jair Bolsonaro na magsuot ng face mask kapag ito ay nasa pampublikong lugar.
Sinabi ni Judge Renato Borelli, na dapat hindi balewalahin ng pangulo ang ipinapatupad na batas sa pagsusuot ng face mask.
Ang hindi magsusuot kasi ng face mask ay nakatakdang multahan ng $390.
Dagdag pa nito na dapat maging magandang ehemplo ang Pangulo sa pagpapatupad ng batas.
Ang nasabing kautusan ay lumabas matapos na ireklamo ito ng ilang abogado dahil sa pagbalewala ng kanilang Pangulo sa nasabing kautusan.
Sa ngayon ikalawa na ang Brazil na sumusunod sa Amerika matapos magtala ang higit na sa isang milyon na mga kaso.