-- Advertisements --

Hindi na nagbigay ng anumang pahayag si Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 Judge Romeo Buenaventura sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema na ito ay guilty sa simple misconduct at neglect of duty.

Ito ay may kaugnayan sa petition for bail na inihain ni dating Senator Leila de Lima noong 2020.

Naghain kais ng administrative complaints ang kampo ni De Lima laban kay Buenaventura matapos na ma-acquit ito sa tatlong drug cases ng dating senador.

Inihain ang reklamo noong Setyembre 2023 sa Judicial and Integrity Board (JIB) dahil sa palagiang pag-inhibit nito sa ikatlong kaso ni De Lima.

Nag-inhibit kasi si Buenaventura sa kaso noong Hunyo 2023 matapos ang ulat na kaniyang kapatid na si Emmanuel, ay legal consel ng namayapang si Oriental Mindoro congressman Reynaldo Umali na siyang namumuno sa House Justice committee na nag-iimbestiga sa kaso ni De Lima.

Inalalayan ni Emmanuel si Ronnie Dayan ang dating driver ni De lima at bodyguard para ipresenta ang knaiyang affidavit noong 2016 na idinadawit ang si De Lima sa iligal na bentahan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison noong ito ay kalihim ng Department of Justice.

Taong 2022 ng binawi ni Dayan ang kaniyang mga pahayag kaya nabasura na ang kaso ng dating senador.

Hindi rin tinanggap ng Korte Suprema ang rason ni Buenaventura na kaya naantala ang pagdinig sa bail petition ay dahil sa inabutan ng pandemic .

Inilipat kay Judge Gener Gito ng Muntinlupa RTC br. 206 kung saan inaprubahan ang petition to bail ni De Lima at matapos ang pitong buwan ay na-acquit ito sa mga kaso.

Pinagbabayad din ng Korte Suprema si Buenaventura ng halagang P36,000.