Pinaburan ng isang judge sa estado ng Pennsylvania ang petisyon ng kampo ni US President Donald Trump.
Sa court order ni Judge Mary Hannah Leavitt, sinabi niya na ang State Secretary na si Kathy Boockvar ay walang otoridad na i-extend ang deadline sa pagtanggap ng mga mail-in ballots (absentee voting) para bilangin.
Ayon pa sa order ni Leavitt, hindi dapat bibilangin ang mga balota na kailangan pa ang proof of identification at mga nabigong gawin ito noong November 9 deadline.
Una nang pinayagan ng Secretary of State na pupuwede pa naman daw gawin ito hanggang November 12 o matapos ang halalan.
Kung maalala naging dikitan ang popular vote sa Pennsylvania at nakuha nga ito ni Joe Biden.
Gayunman batay sa kabuuang mga projections aabutin pa ng 6 million ang kalamangan ni Biden sa popular vites.
“[T]he Court concludes that Respondent Kathy Boockvar, in her official capacity as Secretary of the Commonwealth, lacked statutory authority to issue the November 1, 2020, guidance to Respondents County Boards of Elections insofar as that guidance purported to change the deadline,” bahagi pa ng order ni Judge Leavitt.