CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi umano natitinag ang Philippine Judges Association (PJA) sa ilalabas na report ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) na may ilang huwes ang nasasangkot din sa illegal drug trafficking.
Sinabi sa Bombo Radyo ni PJA Deputy Vice President for Legal Affairs at RTC Branch 25 Presiding Judge Arthur Abundiente na hinihintay nila ang report ni PDEA chief Dir. Gen. Aaron Aquino upang magbigay sila ng komento kung kinakailangan.
Aniya, karapatan ng mga maakusahan ang due process at kinakailangang may matibay na ebidensya ang mga law enforcement agency.
Inamin din nito na nagbibigay ng pangit na imahe sa hudikatura ang report ng PDEA.
Una nang sinabi ni Aquino na dismayado sila sa ilang huwes at government prosecutors na kahit malakas ang mga ebidensiya, ibinasura pa rin ang mga kaso.