-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Judy Ann Santos ang pagtatapos niya mula sa Professional Culinary Arts Program.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi niya ang mga larawan ng kaniyang pagtatapos sa Center for Asian Culinary Studies.

Sinabi nito na kung hindi lamang nagkaroon ng pandemic ay matagal na itong natapos sa pag-aaral.

Taong 2006 ng kumuha ang 46-anyos na actress ng culinary course sa Center for Asian Culinary Studies sa lungsod ng San Juan kung saan nagtapos ito ng may honors.

Mismo ang asawa nito na si Ryan Agoncillo ang nanghikayat sa kaniya na ituloy ang culinary studies dahil sa hilig nitong magluto.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaniyang fans at ilang mga kasamahan sa showbiz matapos na mabalitaan ang tagumpay nito sa pagtatapos.