-- Advertisements --

Mutual o parehong desisyon ni Julia Montes at kanyang boyfriend ang set-up ng kanilang relasyon.

Paglilinaw ito ng dating child star at ngayo’y 26-years-old na, kasabay ng unang beses na pag-amin na masaya ang kanyang buhay pag-ibig.

Gayunman, hindi pa rin niya direktang pinangalanan kung sino ang kanyang kasintahan pero ipinahiwatig na nasa “magulong” mundo rin ito ng showbiz.

Ayon kay Julia (Mara Hautea Schnittka sa tunay na buhay), kontento siya sa kasunduan na panatilihing pribado ang romantic relationship kung saan walang ibang sumasawsaw at iwas na rin sa intriga.

“Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na: ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. ‘Wag na nating paguluhin pati ‘yung atin. And for us kasi talaga, naniniwala kami pag ano kasing nandiyan, sisirain. ‘Pag hindi kayo, pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. ‘Pag kayo, pagsisirain kayo,” saad ni Montes sa panayam ni G3 San Diego.

Nitong Marso nang mamataan umano na magkasamang nagbabakasyon sa Boracay si Julia at rumored boyfriend na si “Coco” Martin.

Kapansin-pansin din ang taunang online greeting ni Julia at pag-post ng larawan ni Coco tuwing November 1 na siyang birthday ng 39-year-old actor.

Taong 2012 nang maging magkatambal ang dalawa sa isang teleserye at usap-usapang mayroon na umanong baby noong 2019.