-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng volleyball star na si Jia Morado sa hindi niya pagsali sa tryouts para sa national team na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).

Sa kaniyang Twitter, sinabi nito na dahil sa health and safety concern dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kaya minabuti niyang hindi na sumali.

Maging ang mga kasama nito sa koponan ay nangamba rin sa kaniyang kaligtasan kaya pinayuhan siya ng mga ito.

Magkakaroon din daw ng 14 na araw bago makasali sa nasabing tryouts.

Si Morado ay kabilang na nagrepresenta ng Pilipinas noong 2019 Southeast Asian Game.

Magugunitang aabot sa 40 manlalaro ang dumalo sa women’s national team tryouts kung saan 16 dito ang kukunin lamang.