-- Advertisements --
Nanindigan si Julia Barretto na wala itong inahas sa akusasyon na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Nilinaw din nito na wala silang relasyon ng actor at hindi siya ang nobyo nito ngayon.
Pinabulaanan din ng actress na umamin si Gerald na nililigawan niya si Julia ng magkausap sila ng amang si Dennis Padilla.
Sinabi na lamang ng actress sa nasabing usapin na may tamang panahon para sa nasabing bagay.
Nauna ng naglabas ng pahayag si Julia mula noong kumalat ang balita na siya ang dahilan ng hiwalayang Bea at Gerald na sinabing hindi naging tama na sisihin siya sa insidente.