-- Advertisements --
Bahagyang lumakas pa ang Severe Tropical Storm “Julian” habang tinatahak nito ang direksyong pahilaga sa bahagi ng Philippine Sea.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 740 km silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kph malapit sa gitna at may pagbugsong pumapalo ng hanggang 135 kph.
Kumikilos ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis lamang na 10 kph.
Posibleng umabot na ang naturang sama ng panahon sa typhoon category sa Linggo ng umaga at maabot ang peak intensity sa Lunes.
Gayunman, hindi pa rin ito inaasahang tatama sa kalupaan at inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng gabi.